$

LET'S FUND OUR OWN RALLY TO PROTECT DUTERTE!

 QUEZON CITY, PH
$47,661.06
raised by 1138 Givers
$40,000.00
goal amount
CLOSED FOR CONTRIBUTION
FUNDED

Share this campaign
This movement aims to protect the desire of President Duterte to rebuild the nation by stopping drugs, criminality and corruption.
Story
Updates
People & Links

Papaano tutuloy ang pagbabago kung ang kalaban ng bayan ay ang sarili? Iyan ang tanong ng karamihan. Ngunit, kailangan din natin tanungin ang sarili natin: "ANO BA ANG GINAGAWA KO?"

 Tulungan natin ang Pangulong linisin ang kanyang  paligid!

 Kami, bilang karaniwang tao, ay nagtatawag ng rally na  walang pondo kundi ang padala ng taumbayan! 

 Lahat kami sa D.A.V.A.O.  Movement ay karaniwang  tao na pagod na sa bulok na sistema ng gobyero. But  we promise you and our God this: that we will be  GOOD men. Good men who are DOING something,  when faced with inconvenient TRUTHS. 

 Para sa Bayan!

 

About the Next Rally

Tuloy ang rally. Ang tunay na rally ng karaniwang tao na walang agenda kundi ang protektahan si duterte.

April 2, 2017
LUNETA
4pm - 12 hatinggabi
(pero umaga pa lang, nandoon na tayo.)

Mag rally tayo. 
Hindi galit ang gasolina. 
Pag-ibig sa bansa ang pwersa.

Hindi ko alam kung bakit kami nilagay ng panginoon sa posisyon na ganito. 
Ngunit dahil ipinagkatiwala ninyo ito sa amin, ako ay mangangako sa inyong lahat, kalaban man o kakampi, na ito ay laban para sa kinabukasan ng lahat.

Linisin natin ang paligid ng pangulo. Tanggalin ang ayaw mag trabaho nang tapat.

Pati mga manggagantso't bayaran, tayo na ang umawat.

 "TAYO ANG MAGPOPONDO NG RALLY!" - DAVAO MOVEMENT

What You Can Do For this Rally

  1.  DONATE any amount
  2.  SHARE this link  "https://www.gavagives.com/protect-duterte-rally" to all your social media apps  Facebook, Viber, Whatsapp, Twitter, WeChat, Instagram, Email to your families, friends, colleagues, classmates, neighbors, to everyone you know.
  3. Donate then, click the TELL A FRIEND button above.

About this fundraising campaign

Dito lang dadaan ang lahat ng maliit o malaking donation.

Sa website na ito, may access ang lahat ng tao sa impormasyon sa mga pumapasok at lumalabas na pera.

1. Kung may mga magduda? Tingnan niyo itong site. 
2. Kung gusto nyo malaman kung natanggap namin ang bigay niyo, tingnan niyo ang site.
3. Kung may mayaman na mabuting loob na gusto magbigay? Ipasok din dito sa site.

Ibalik natin ang kapangyarihan ng "duterte movement" sa ating mga tunay na umaasa sa pagbabago, at naniniwala sa puso ng pangulo.

Power to the masses. Tingnan niyo sa kasaysayan. Lahat ng nagtagumpay na bansa ay ang mga may gobyerno na ibinigay sa taumbayan ang kapangyarihan.

Tunay na demokrasya.
Tunay na laya.

#StopShamingDuterte

NOTE: ANG LAHAT NG PERA NA LALABAS AT PAPASOK SA AMING MGA ORGANIZER AY SA DAVAO MOVEMENT LAMANG DADAAN. WALANG MAWAWALA KAHIT PISO.

Pangako ita sa Bayan, sa Pangulo, at sa Panginoon.

 
HULING PAKIUSAP NG D.A.V.A.O. MOVEMENT,  ISHARE ANG PAGE NA ITO THROUGH FACEBOOK, TWITTER, INSTAGRAM, VIBER, WHATSAPP, EMAIL ATBP. TELL ALL YOUR FAMILIES AND FRIENDS TO RESHARE EVERYDAY UNTIL GOOD HEARTS ARE ABLE TO CONTRIBUTE TO OUR CAUSE.  CLICK THE 'TELL A FRIEND' BUTTON ABOVE.
___________________________________

About D.A.V.A.O Movement

Ang organisasyon na ito ay binubo ng mga boluntartyong mamamayan na may tunay na pangarap ng pagbabago para sa bansang Pilipinas.

Ito ay DALISAY, MARANGAL, MATAPANG.

Ang aming partisipasyon ay walang bayad. Ngunit imposibleng mag organisa ng malakinng rally ng walang pondo para sa ibang elemento nito tulad ng lokasyon, seguridad, atbp. Ngunit hindi ito manggagaling mula sa mga madidilim na transaksyon na ginagawa ng nakararaming corrupt sa gobyerno.


Salamat Po!

 
Ang daming nagagalit!!! Gusto pa nila mag donate, pero naabot na natin ang target. Ganito po ang napagkasunduan namin ng D.A.V.A.O. movement:

1. Kahit magkano pa umabot ang donasyon ninyo, hanggang 20k usd lamang ang pwede naming gamitin sa rally. 2. Ang lahat ng sosobra ay aming ipagkakaloob sa pangulo. Kung ano ang sabihin niyang gawin sa pondo ang siya naming gagawin.

Itinutuloy lang namin itong pagtanggap ng donasyon dahil maraming manloloko. At sa sidhi ng pagnanais mag donate ng ibang tao, baka sila malokong muli ng ibang mga manggagantso.

Faith. Hope. Love. Para sa bayan!

-----

We have reached our ONE MILLION PESO mark!

Uulit-ulitin ko, your donations are under my personal attention. You have my word. Lahat ng sosobra, it will be spent according to president duterte's wishes.

Salamat sa inyo. Tuloy ang peaceful rally.

Mula sa masa! Para sa masa!

- Jimmy Bondoc



D.A.V.A.O. Movement
 QUEZON CITY, PH
Founded:
2017-03-18
Type:
Non Profit
Email:
jimmybondoc08@yahoo.com
Contact Number:
Address:
Quezon City Quezon City Metro Manila PH
About us:
We, the Duterte Alliance of Volunteers, Artists, and Organizers (hence,D.A.V.A.O.) believe in safeguarding the peripheries of the President. Change has come, and more shall come. In the process of change, the necessity for vigilance and conscientious fulfillment of duties are essential. We, as a group of 'showbiz' entrepreneurs, are aware of the unscrupulous individuals amongst us who use the Duterte phenomenon as a mere promotional tool. We will unite AGAINST that, to protect the Du30 ideals.

Givers